|
Ang pinili ng tao ay nagbunga sa paghulog (kasalanan). Dahil sa kasalanan, ang natural na mundo ay isinumpa at nagsimulang mamatay. Ang lupa ay di na naging mataba at naging madalang ang pagkain. Kailangang magtrabaho nang husto ang tao upang makaani ng mas kaunti. Maiintindihan ng tao ang epekto ng kasalanan sa pakikipagkapwa, na nagbubunga ng kalupitan, pagpatay ng tao, kahibuan at nagiging sanhi ng di pagkakaunawaan sa pamilya. Ipinagpapatuloy pa rin ng sangkatauhan ang pagkakasala, namumuhay nang labag sa Diyos, ang Tagapaglikha. Ito ang dahilan kung bakit ang mundo ay puno ng paghihirap ngayon. Nasa tao na ang responsibilidad sa pagsira sa kaganapan ng nilikha ng Diyos. Dahil sa ating pagkamakasalanan, hindi malalaman at mararamdaman ng tao ang pagmamahal at pagsasama ng Diyos, kahit na gaano pa siyang magpumilit na maabot ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang mabuting mga gawain, relihiyosong ritwal o pilosopiya. “Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Mga Taga-Roma 3:23). |
|
|
||
Isinalin ni: Kat Francisco |